Somewhere in Between.
Katamaran. Ka-emo-han. Katamaran ulit. Yan yung mga dahilan kung bakit ngayon lang ako nakapag-post. Hehe.Haaay. Feeling ko tuloy zombie ako lately. (Apir Bunso Zombie a.k.a Aldie Eustaquio! HAHA!) Nagpupuyat ako sa pagmukmok. Pagkagising ko, titingnan-tingnan ko lang ang paligid ko hoping na may extraordinary stuff na mangyari. Wala eh. Boring.
Natutunan ko na ring i-adopt yung kwarto as my home. As much as possible, di ako lalabas. Syempre pwera na lang kung maliligo ako, magsi-CR, kukuha ng pagkain, etc. At kasabay nun, di ko na rin kinakausap yung mga tao dito. Uh-huh. Piping zombie nga. At most ay mga tatlong five-word sentences lang ang nasasabi ko. Na-master ko na nga ata ang art ng facial expressions at head and hand gestures. Magaling na rin ako sa one-word games. Trust me.
Bakit nga ba ako nagkakaganito? *kunot-noo*
Hayun. Kagabi gumawa ako ng letter para sa parents ko. Wala lang. Sinabi ko lang dun lahat ng gusto kong sabihin. Eh kasi naman sila, ang gulo. Papalit-palit sila ng college plans para sa 'kin. Di ko na tuloy alam kung ano ba talaga gusto ko.
Sabi kasi nila na sa Ateneo de Zamboanga University na raw talaga ako. Ako naman, kahit ayaw, tinanggap na lang. After nga nun, naging OK na talaga ako sa fact na yun. Masaya na rin ako sa dinecide nila for me. Tapos... TAPOS! Hayun. Nung isang araw biglang kumatok si Mama para sabihin na sa Silliman University na raw aq. ANO RAW?! o_O
Dapat nga ako matuwa, di ba? Kasi ang first and most loved choice ko ay SU. Pero bakit ganun? Ngayon lang kasi nila sinabi. Ngayon pa na naintindihan at na-accept ko na lahat. Ngayon pa na naka-set na ang focus ko sa ADZU. Dapat nga ba ako matuwa sa sinabi nila? At isa pa, ayokong i-enroll nila ako dun dahil alam nilang dun ko gusto. Gusto ko kasi na gustuhin rin nila akong mapunta dun. Kung di rin lang talaga sila totally in favor sa pag-stay ko dun, wag na sana nila subukang mag-adjust para sa wants ko. Trabaho ko ang mag-adjust para sa situation, para sa kung ano'ng pwede at di pwede sa akin. Kaya ko naman eh. Naiintindihan ko naman lahat eh.
Sana lang rin naintindihan nila yung drama ko sa letter na yun. Iniwan ko na sa kanila ang decision between ADZU and SU. Kung piliin man nila ang ADZU, sana dahil yun yung convenient para sa amin. Kung piliin man nila ang SU, sana dahil yun yung tingin nila ay dine-deserve ko. Kahit saan naman, OK na sa 'kin. It's a win-win situation naman for me. Si God na lang talaga bahala. Wish me loads of luck na lang. :]
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home